Noong bata pa kayo, ano yung mga sinasabi ng mga nanay at tatay n'yo sa inyo na naniniwala naman kayo?
Eto ang ilan sa mga kautuan ng ating mga magulang na pinaniniwalaan naman natin. haha!
- 'Pag daw nag gupit ka ng kuko pag Friday or pag gabi na, mananalinsing daw ang kuko mo. Eh syempre ayaw mo yun di ba. naniwala ka naman so ipagpapabukas mo na lang.
- 'Wag daw magwawalis kapag gabi na at lalabas ang swerte. hahahaha ikaw naman naniwala itinabi mo na lang sa isang sulok yung mga nawalis mong kalat. ayun sakit sa mata. haha.
- 'Pag Biyernes Santo, marami din bang ipinagbabawal sa inyong gawin? Bawal manungkit ng bunga sa puno at mapupuwing ka daw. Bawal din mag gupit ng kuko (again? haha). Bawal din magkikilos di ko alam bakit.
- Dati kapag may tatawid na baka sa kalsada, ang sinasabi ng tatay ko swerte daw yun. Siguro para 'di lang mainip kaya inuto pa ko na pampaswerte yun haha. 😄😅
- 'Pag may sugat ba kayo noong araw, sinasabihan din kayo na may lalabas daw na kalabaw dun? At takot na takot ka naman! 😆
- Bawal matulog ng basa ang buhok. Mabubulag ka daw. Well hanggang ngaun ata nadidinig ko pa rin yun. Nakakatulog din ako madalas ng basa ang buhok. Malinaw pa naman mata ko.
Ilan lang ‘to sa mga imbentong paandar ng mga magulang natin noon. Kung may maalala pa kayong iba, comment nyo lang dito. Kung hindi, sige kayo mapuputol daliri nyo sa kamay. 😂
No comments:
Post a Comment
Feel free to tell us what you think :)