Friday, December 26, 2014

Pustiso

Pinauwi kami ng maaga from office dahil paparating na ang bagyong Glenda. At sa byahe namin ng jeep pauwi, may nakasabay kami na nakakatakot.  Dalawa kasi sila na sumakay ng sabay tapos magkabilang dulo ng jeep naupo, syempre naisip namin agad baka holdappers. Judgemental lang. haha. Sa likod ng driver naupo yung isa tapos sa may pintuan naman naupo yung medyo dugyot. Tapos gusto pa takpan ng payong nya yung pinto..Para daw di kami mabasa...


Tinanong sya ni sheva kung papasok sya ng trabaho. Hindi sumagot. Mayamaya tinatanggal na nya ang pustiso nya. hahaha. 

Pagdating ko sa bahay...

me: Bahay ka na bangs?

sheva: Kakarating ko Lang madam lakas ng hangin malapit na matanggal ung bubong ng kapitbahay. Hauz na Kau? natakot ako sa katabi ko kanina sa jeep Baka kc ung pustiso Nya may kutsilyo buti nlng may mga sumakay n mga lalaki sa export bank Banda.

me: Bwahahhahhaha. nakita mo rin pala yung pustiso nya. Baka may swiss knife dun. Hahahha.Uu nga bangs. Gusto pa nya takpan yung pinto. Kaya sabi ko ok lang maanggihan. Hehe. 

sheva: Ganun din ung inisip ko madam tatakpan ung pinto bka kasama Nya pa ung Isa dun. Kya Nya siguro tinanggal ung pustiso Nya Baka mahanginan mahulog.

Nakakakaba yung eksena.. pero si bangs nakakatawa. hahaha.

No comments:

Post a Comment

feel free to tell us what you think :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...