Here's a simplified guide para mamaximize nyo yung mae-earn na SLP sa larong Axie Infinity:
#1. Use all your 20 energy in Arena. Kahit na maka 5 wins ka na, stay ka lang sa Arena kasi additional SLP din yun pag nanalo ka. Kaya galingan mo kasi sayang din yung maeearn mong SLP.#2. Paano naman kung naubos mo na yung 20 energy mo pero hindi ka pa rin nakaka 5 wins? Just continue playing in Arena hanggang sa maka 5 wins ka. Bakit? Para maclaim mo yung daily quest bonus.
Eh ano ba yung Daily Quest? Eto po sya. At para ma-claim mo yung 25 SLP bonus, kelangan matapos mo 'tong tatlong 'to:
- Daily check in - pinakamadali, pipindutin mo lang kada araw, nothing more nothing less. hehe
- Win 5 Arena matches - eto po ang dahilan bakit kelangan mo manalo ng at least 5 times sa Arena kahit na ubos na ang energy mo.
- Complete 10 Adventure mode levels - since ang goal mo is maka 50 SLP sa Adventure, makaka 10 wins ka rin talaga sa Adventure. Pero kung mataas na ang level ng axie mo at mabilis ka na maka 50 daily, yung kulang mo na wins ay ilaro mo na lang sa Ruin 1 para mabilis lang matapos.
#3. After ng #1 and #2, lipat ka na sa Adventure para ma-complete naman yung 50/50 SLP. Kung mataas na ang level mo at kaya mo maglaro sa mas mataas na ruin, go ahead and play there. Mas mataas ang SLP, mas mabilis ka matatapos. Pero kung hindi naman kataasan ang level ng axie mo, it is advisable to play in ruin 5, 6, or 7. Dun ka maglaro sa sure na mananalo ka ng SLP. Huwag sa Ruins 1 to 4. Hindi guaranteed ang SLP dun. Kahit sa ruin 5 (cactus) na lang, kahit 2 SLP lang, at least sure ka na meron at malaki ang chance na lagi ka mananalo kung master mo na. Mabilis ka na rin matapos. Reminder po, hindi kelangan na mataas ang level mo sa Adventure. Hindi rin kelangan pataasin. Kahit level 5 sapat na. Mananalo ka na nun sa Ruin 5 at 6. Just use your energy sa Arena.
#4. Go to daily quest and claim the 25 SLP bonus. Make sure to claim this every day.
#5. Relax na. haha! Pwede ka rin magpractice sa Adventure para mamaster mo yung ibang ruins na malaki magbigay ng SLP para mabilis lang maglaro. Or you can continue playing sa Arena para mapataas ang MMR mo.
Eh ano naman ba ang MMR? Yun yung parang level mo pag nasa Arena ka. When you win, your MMR increases. However, if you lose, your MMR will also go down. Dito nakadepende kung ilan ang SLP na maeearn mo pag nanalo ka sa Arena. Kaya dapat mas madalas ang panalo kesa talo.
Good luck sa pag grind! 😊
No comments:
Post a Comment
Feel free to tell us what you think :)